Force Multiplier, nakilahok sa Road Clearing

Nakilahok ang mga force multiplier sa isinagawang Road Clearing sa Barangay Tabawan, Calbayog City, Eastern Samar nito lamang ika-5 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga Barangay officials at mga residente sa nasabing lugar kasama ang Revitalized-Pulis sa Barangay Team Tabawan.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng kalsada na daanan ng mga residente upang masiguro ang kaligtasan ng komunidad.

Ang pagtutulungan ng grupo ay daan upang unti-unting maitaguyod at mapatatag ang relasyon ng gobyerno at komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.

Panulat ni Patrolwoman Marielle Dulnuan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *