Hepe ng Pambansang Pulisya, nangako ng legal aid sa mga pulis na nahaharap sa counter charges
Nangako noong Lunes si Philippine National Police Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ng legal na tulong para sa mga pulis na nahaharap sa kontra-kasuhan.
Sa kanyang mensahe na pinahayag kasabay ng regular Modnay Flag Raising Ceremony sa Kampo Crame, sinabi ni Marbil na ito ay kabilang sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng mga pulis sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.
“Alam ko naman lahat kayo na operatiba ang pinakaproblema natin sa PNP is ‘yung mga counter charges and minsan kapag nakaka-counter charge kayo ang mga pulis natin bumubunot ng kanilang pera,” saad nito.
Sinabi ni Marbil na nais din niyang magkaroon ng health insurance ang bawat pulis at inaasahan ang donasyon mula sa Public Safety Mutual Benefit Fund Inc (PSMBFI).
“Sinusubukan naming gawin ang lahat para sa aming mga pulis, para iisa lang ang iisipin niyo, ibibigay natin lahat para sa pulis natin pero isa lang ang request namin sa inyo. Gagawin ang lahat ng ating makakaya para sa mga tao natin, sa mga kliyente natin”, ani PBGen Marbil.