Force Multipliers, nakiisa sa Skills Enhancement Training
Aktibong dinaluhan ng Comon Force Multiplier ang isinagawang Skills Enhancement Training na pinangunahan ng mga personahe ng Tabaco City Police Station sa Barangay Comon, Tabaco City nito lamang ika-4 ng Mayo 2024.
Tinalakay sa naturang pagsasanay ang paksa tungkol sa Republic Act 9262, Katarungang Pambarangay at iba pang mga importanteng paksa.
Nagbigay din ng pagsasanay sa tamang paggamit ng baton, pag-aresto at kung paano maging isang First Responder kung sakaling magkaroon ng responde sa kanilang nasasakupan.
Bukod dito ay isinagawa din ang programa ng Tabaco PNP na “Baston para sa Maton” na kung saan ang mga kapulisan ay namahagi ng mga posas at baton sa personahe ng barangay at nagkaroon din ng pagtuturo sa wastong paggamit at pangangalaga nito.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong makapagbigay ng mga kaalaman sa mga Force Multipliers upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Photo Credit/Source: Tabaco City Police Station, Albay PPO
Panulat ni Brian