Advocacy Support Group, nakiisa sa Clean-up Drive

Masiglang nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Clean-Up Drive na ginanap sa Barangay Poblacion, Dauis, Bohol noong ika-4 ng Mayo 2024.

Ang makabuluhang aktibidad ay pinangunahan ng Dauis Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Elma Lenteria Suma-oy, Officer-In-Charge, katuwang ang mga residente ng nasabing lugar.

Sa kabuuan, ang adhikain ng programa ay hindi lamang tungkol sa paglilinis ng kapaligiran kundi pati na rin sa pagpapalakas ng mga halaga ng propesyonalismo, kalinisan, at pagkakaisa sa hanay ng mga tauhan ng pulisya at sa komunidad.

Sourc: Dauis MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *