Force Multipliers, nakilahok sa Coastal Clean-up Drive

Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng force multipliers sa isinagawang coastal clean-up drive sa Barangay Casanayan, Pilar, Capiz, nito lamang ika-6 ng Mayo 2024.

Kasama sa aktibidad ang Barangay Council, Barangay Health Worker, Barangay Peackeeping Action Team, Alpha Kappa Rho-Pilar Chapter, Pilar MPS at mga residente ng nasabing lugar.

Matagumpay na nalinis ng mga kalahok ang naturang baybayin para panatilihin ang kalinisan ng karagatan na isa sa mga dinadayo ng turista sa ating bansa.

Patuloy ang grupo sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad upang magsilbing ehemplo sa mga kababayan natin na makiisa sa pangangalaga sa ating karagatan para sa susunod pa na henerasyon.

Source: Pilar MPS

Panulat ni Julius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *