Liga ng Barangay Monthly Meeting, isinagawa sa Sariaya, Quezon

Aktibong nakiisa ang Sangguniang Barangay ng Sariaya, Quezon sa isinagawang Liga ng Barangay Monthly Meeting na ginanap sa Barangay Tumbaga 1, Sariaya, Quezon nito lamang Mayo 6, 2024.

Ang aktibdidad ay pinangunahan ni Hon. Romulo Gayeta, ABC President, katuwang ang mga tauhan ng Sariaya Municipal Police Station sa pangangasiwa ni Police Major Romar I Pacis, Acting Chief of Police.

Tinalakay sa aktibidad ang kamalayan patungkol sa ilegal na droga, pag-iwas sa krimen at iba pang mga programa na makakatulong sa pagpapalaganap ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Nagpapakita ang aktibidad na ito ng pagkakaisa ng mga Sangguniang Barangay sa nasabing lungsod upang patuloy na maihatid ang mga programang pang kaligtasan at mapanatili ang maayos at ligtas na kumunidad.

Source: Sariaya Qppo Pcad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *