KKDAT, nakilahok sa Youth Awareness Drive

Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Youth Awareness Drive na ginanap sa Tan Ting Bing Memorial College Foundation Inc., San Isidro, Norther Samar nito lamang Mayo 8, 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng San Isidro Municipal Police Station kasama ang Bravo Company, 43rd Infantry Battalion, 8 Infantry Division, Philippine Army kasama ang mga mag-aaral at guro ng naturang paaralan.

Tampok sa aktibidad ang talakayan tungkol sa tatlong mahahalagang paksa: RA 11313 o ang Safe Spaces Act, Anti-terrorism/Insurgency at Anti-terrorism Act 2020.

Ang mga talakayan na ito ay naglalayong bigyan ng mahahalagang kaalaman ang mga mag-aaral sa kaunlaran ng komunidad, paglutas ng mga hidwaan, at pagtiyak ng ligtas na kapaligiran.

Layunin ng aktibidad na bigyan ang mga kabataan at mag-aaral ng mas malalim na pang-unawa sa kahalagahan ng paglikha ng safe spaces at anti-terorismo, lalo na sa mga institusyon ng edukasyon, upang labanan ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso, diskriminasyon at karahasan.

Gayundin upang malaman ang kanilang mga tungkulin sa pagpapalakas ng maayos na ugnayan at pagbibigay ng kontribusyon sa kabuuang kaligtasan at pag-unlad ng lipunan.

Panulat ni Camberleigh D Flores

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *