Criminology Intern Students, nagsagawa ng Feeding Program at Tree Planting Activity

Matagumpay na nagsagawa ng feeding program at tree planting activity ang mga criminology interns ng SPA College, Inc/Romeo Rodrigo Sr. Memorial Colleges, Inc. (SPACI/RRSMCI) sa Baranhay Popoyon, Tulunan Cotabato nito lamang ika-9 ng Mayo 2024.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Tulunan Municipal Police Station sa pamumuno ni PCpt April Rose R Soria, OIC.

Tampok sa aktibidad ang pagbibigay ng pagkain sa mga mag-aaral ng Popoyon Elementary School at nagtanim din ng mga puno.

Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng pagpapahalaga ang bawat isa sa kapwa-tao sa ating kalikasan.

Patuloy na magkakaroon ng mga ganitong aktibidad para isulong ang pagkakaisa at pagpapahalaga para sa mas maayos at maunlad na komunidad.

Panulat ni Bambam

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *