Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Siquijor
Nagkaisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers sa isinagawang Coastal Clean-up Drive na ginanap sa baybayin ng Bino-ongan Sanctuary, Barangay Bino-ongan, Enrique Villanueva, Siquijor noong ika-13 ng Mayo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Enrique Villanueva Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Roberto S Anulacion, Acting Chief of Police.
Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng TPU, mga opisyal ng barangay, miyembro ng KKDAT, Barangay-Based Group, Force Multipliers at Women’s Association.
Layunin ng aktibidad na pangalagaan ang ating likas na yaman sa pamamagitan ng pag-alis ng mga plastik at iba pang uri ng basura na maaaring makaapekto sa ating marine ecosystem.
Ang Bino-ongan Sanctuary ay isa sa mga mahalagang bahagi ng ating kalikasan na nangangailangan ng patuloy na pag-aalaga at proteksyon upang mapanatili ang kagandahan at kalusugan ng karagatan.
Ang pagkilos na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng Bagong Pilipinas na naglalayong masigurado ang kaligtasan at kapayapaan sa komunidad.
Source: Enrique Villanueva MPS