Advocacy Support Group, nakiisa sa Operation Tuli
Nakiisa ang Advocacy Support Group sa isinagawang Operation Tuli sa Barangay Luinab, Iligan City nito lamang ika-12 ng Mayo 2024.
Ang naturang aktibidad ay aktibong nilahukan ng Advocacy Support Groups, stakeholders at Barangay Local Government Unit katuwang ang Iligan City Medical and Dental Team at Regional Medical and Dental Unit 10 sa pangunguna ni Police Colonel Michelle A Arban, Chief, RMDU.
Nasa sampung (10) bata ang nakabenepisyo sa nasabing aktibidad.
Nagpapatunay lamang ito ng pagkakaisa ng iba’t ibang sangay ng gobyerno upang maipadama sa mga residente ang labis na suporta at malasakit sa mga mamamayan.
Panulat ni Jovelyn J Dodoso
Matagumpay na nagtapos ang isinagawang Driver’s Association Orientation nito lamang ika-12 ng Mayo, taong kasalukuyan sa Barangay Bisayan Village, Tagum City.
Maliban sa mga miyembro ng Tagum City Driver’s Association ay nakiisa rin sa pagtitipon na ito ang mga opisyal ng Barangay Bisayan at ang Officer-In-Charge ng Tagum City Police Station na si Police Lieutenant Colonel Jerick A Filosopo.
Layunin ng naturang aktibidad na magsilbing plataporma kung saan ay makapagbabahagi ang bawat isa ng impormasyon hinggil sa mga kasalukuyang katayuan ng seguridad sa barangay kabilang na rito ang mga hakbang upang maiwasan ang hindi kaaya-ayang pangyayari.
Hindi maipagkakaila na ang seguridad ay responsibilidad ng bawat isa kung kaya naman ay lubos na kinakailangan ang pagtutulungan ng pampublikong sektor at komunidad upang makamit ito.