KKDAT Orientation, isinagawa sa Barobo National High School

Nagsagawa ang Barobo Municipal Police Station ng KKDAT Orientation sa mga mag-aaral ng Barobo National High School sa Barobo NHS, Purok 1, Barangay Poblacion, Barobo, Surigao del Sur noong Mayo 10, 2024 bandang alas-3:00 ng hapon.

Kasama rin sa aktibidad ang pagtatalakay sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kaugnay ng BIDA program, EO No.70 at Anti-Insurgency Awareness.

Sa patuloy na pagpapalaganap ng kampanya laban sa droga at terorismo, mahalagang maging bahagi ang mga kabataan sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaligtasan sa ating lipunan.

Ang KKDAT Orientation ay hindi lamang isang simpleng pagpupulong kundi isang patunay ng pagkakaisa ng KKDAT, kapulisan at komunidad sa layunin na sugpuin ang ilegal na droga at terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *