Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-up Drive, sinagawa sa lungsod ng Mati
Matagumpay na nagsagawa ng mangrove tree planting at coastal clean-up drive nito lamang ika-15 ng Mayo 2024 sa Barangay Dahican, Mati City.
Ang Mati City ay kilala sa natatanging ganda ng dagat na nakapaligid dito na nagsisilbing pangunahing puntahan ng mga turista sa Davao Oriental na nais tunghayan ang mga magagandang tanawin at magbabad sa malamig na tubig.
Kaugnay rito, ang mga residente ng Mati ay kaisa sa mga programa at aktibidad ng lokal na pamahalaan na may layuning pangalagaan at protektahan ang ating likas na yaman.
Isang magandang halimbawa rito ang katatapos na Mangrove Tree-Planting at Coastal Clean-up Drive kung saan ay kaisa sa pagtanim ng 300 na mangrove propagules ang mga residente at mga pampublikong sektor gaya na lamang ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Davao Oriental Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Captain Jerome D Bueno, Deputy PCADU.