Family, Marriage, and Singleness Seminar, isinagawa ng Faith-Based Advocay Support Group
Nagsagawa ng Seminar tungkol sa Family, Marriage at Singleness ang World Evangelical Alliance Single Advocacy Team sa Baguio City Police Office nito lamang ika-13 ng Mayo, 2024.
Ang aktibidad ay nilahukan ng mga tauhan ng Baguio City Police Office at nagsilbing tagapagsalita ang mga pangunahing bisita mula sa ibang bansa kabilang sina Barry Danylak, Melanie Nelson, at Pastor Jacob David, at Mark Mcleod.
Ito ay isang espesyal na kaganapan na idinisenyo upang maghatid ng mahalagang edukasyon, suporta, at gabay sa iba’t ibang paksa tungkol sa pamilya, pag-aasawa, at pagiging walang asawa mula sa Kristiyanong perspektibo.
Bukod pa dito, tinalakay sa seminar ang mga mahalagang tema tulad ng pagtatatag ng matitibay na pamilya, marriage enrichment, singleness, relationships, pagpapalaki ng anak at pagpapahalaga ng pamilya, maging ang pananampalataya at relasyon sa Maykapal.
Malugod naman na tinanggap ni City Director PCol Bulwayan Jr ang mga tagapagsalita at nagpahayag ng pasasalamat sa grupo sa kanilang kahusayan at nakaaantig na pananaw na kanilang ibinahagi sa mga tauhan ng Baguio City Police Office.