KKDAT Diffun, nakiisa sa Community Outreach Program

Muling nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Diffun, Quirino sa isinagawang Community Outreach Program sa Diego Silang Elementary School, Diffun, Quirino nito lamang ika – 15 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Judivina A Ballesteros, Deputy Chief of Police ng Diffun PNP, kasama ang mga Barangay Officials sa pamumuno ni Hon. Henson C Agwit, mga guro ng nasabing paaralan sa pamumuno ni G. Romel D Sadiamosa, School Principal, Barangay Chairman at mga miyembro ng KKDAT Diffun, Quirino.

Ipinahatid ni G. Sadiamona ang pasasalamat sa aktibidad na isinagawa sa naturang paaralan kung saan malaking tulong ang libreng gupit para sa mga bata at nagkaroon pa ng tree planting activity kung saan nagpapakita ang pagmamahal sa kalikasan.

Samantala, nagsagawa rin ng information dessimination sa pamamagitan ng talakayan at pamamahagi ng flyers tungkol sa Anti-Rape Tips at Road Safety Tips sa mga Grade V at Grade VI na mag-aaral.

Source: Diffun PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *