Barangay Tanod Skills Enhancement Training, isinagawa sa Digos City
Matagumpay na maituturing ang kakatapos lamang nitong ika-16 ng Mayo taong kasalukuyan na Barangay Tanod Skills Enhancement Training sa Digos City Gym na nilahukan ng 260 na mga Barangay Tanod sa nasabing lugar.
Ang naturang pagtitipon ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government sa pakikipag-ugnayan sa Digos City Police Station.
Dagdag pa, aktibo itong nilahukan ng mga barangay tanod mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Digos kung saan ay tinalakay ang mga hakbang at paalala hinggil sa pag-aresto, handcuffing techniques, traffic laws, Gender Sensitivity at Child-Friendly Approach in Barangay Drug Clearing Operations at Basic Disaster Preparedness Skills.
Layunin ng aktibidad na ito na palawakin ang kaalaman ng mga barangay tanod upang ihanda sila sapagkat sila ang kadalasang nagiging first responder sa mga insidente.
Ito ay isa lamang sa maraming programa na siyang resulta ng inisyatibo ng lungsod ng Digos sa pamumuno ni Digos City Mayor Honorable Josef Fortich Cagas.