Basic Incident Command System Training, matagumpay na nagtapos

Matagumpay na nagtapos ang tatlong araw na training para sa Basic Incident System Training nito lamang ika-17 ng Mayo 2024 sa Mati City, Davao Oriental.

Ang naturang pagtitipon ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na dinaluhan naman ng Davao Oriental Police Provincial Office sa pamumuno at pangunguna ni Provincial Director Police Colonel Julius E Silagan at iba pang ahensya.

Layunin ng aktibidad na ito na maging pamilyar ang mga kawani sa Incident Command System (ICS) sa mga hindi inaasahang insidente sa pamamagitan ng pagsisigurado na sila ay may sapat na kakayahan at kasanayan na kinakailangan upang mabilis at mahusay na makapag-responde sa mga insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *