2-Day Training and Lecture, isinagawa

Nakiisa ang mga Barangay Officials, Barangay Peacekeeping Action Teams, Force Multipliers, at iba pang mga ahensya ng gobyerno sa isinagawang Two Days Training of Tanod at Lecture para sa tatlong clustered barangay ng Titik, Tinaplan at Bucana na ginanap sa Barangay Titik, Sindangan Zamboanga del Norte nito lamang Mayo 16, 2024.

Pinangunahan ang aktibidad ng MLGOO Ministry of the Interior Local Government kasama ang MSWDO, MDRMMO at Sindangan Police Station.

Ang isinagawang talakayan ay kaugnay sa Batas tulad ng Anti-Illegal Drugs Campaign (BIDA Program), Bomb Awareness, ELCAC, NTF-DPAGs, R.A 8353 (Anti- Rape Law of 1997), R.A 9262 (Anti Violence against Women and their Children), at R.A 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination.

Nagkaroon din ng pagsasanay ang mga Barangay Tanod para sa tamang Hand Cuffing Technique at Self Defense Technique.

Layunin ng aktibidad na ito na mas palawakin at paiigtingin ang magandang relasyon ng komunidad, at maikintal sa kanilang mga kaisipan ang mga usaping karapatang pantao, paglaban sa katiwalian, at pagbabawas sa banta ng transnational na krimen at terorismo tungo sa ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Franco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *