BPATS ng Barangay Carillo, nakilahok sa talakayan ng Hagonoy PNP
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng BPATs sa isinagawang Lecture/Symposium ng mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station, Bulacan Police Provincial Office na ginanap sa Barangay Carillo, Hagonoy, Bulacan nito lamang Huwebes, ika-16 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni PLtCol Aldrin O Thompson, Chief of Police ng Hagonoy MPS katuwang ang mga Barangay Officials at Barangay Peacekeeping Action Team.
Nagbigay kaalaman ang pulisya tungkol sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (BIDA Program), at E.O. 70 NTF ELCAC, law enforcement procedures, kabilang na din sa isinagawa ay ang BPOC orientation at BPAT’s duties and function.
Layunin ng aktibidad na ito na madagdagan ang kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa mga batas, bilang pagtugon sa mga programa ng pamahaalan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang pagkakaisa ng bawat Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.