Clean-up Drive, isinagawa ng Maasim PNP sa tulong ng BPATs
Nagsagawa ng isang Clean-up Drive ang Maasim Municipal Police Station kasama ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa Barangay Colon, Maasim Sarangani Province nito lamang Sabado, Mayo 18, 2024.
Sa pamamagitan ng kanilang aktibong pakikilahok sa isang makabuluhang aktibidad, ipinakita ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ang kanilang tunay na malasakit sa kalikasan at komunidad.
Ang naturang aktibidad ay naglalayong magbigay ng kontribusyon sa kalinisan at kaayusan ng komunidad, habang pinapalaganap din ang kamalayan tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran.
Kasama sa aktibidad ang Maasim Municipal Police Station, LGU Sarangani, BFP, Army, Coast Guard at BPATs.
Ang mga ganitong inisyatibo ay hindi lamang nagbubunga ng pisikal na kalinisan kundi nagbibigay din ng inspirasyon sa iba pang sektor ng lipunan na makilahok at magbigay ng kanilang ambag para sa ikabubuti ng lahat tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Flora Mae Asarez