Clean-up Drive, isinagawa ng 4Ps Members sa Lamitan City

Aktibong nakiisa ang mga personahe ng 1403rd B, RMFB 14-B sa isinagawang Clean-up drive ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Barangay Limo-ok, Lamitan City, Basilan noong ika-18 ng Mayo 2024.

Naging matagumpay ang naturang aktibidad dahil sa pagtutulungan ng mga Barangay Officials, mga residente ng naturang lugar at sa aktibong partisipasyon ng mga personahe ng 1403rd , Regional Mobile Force Batallion 14-B na pinamunuan ni Police Major Ferick Jay G Comafay, Company Commander.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong maprotektahan ang ating kapaligiran sa anumang uri ng polusyon at mapanatili ang likas nitong kagandahan.

Ang pakikiisa ng mga kapulisan sa mga ganitong aktibidad ay upang palakasin ang positibong ugnayan sa komunidad at itaguyod ang kahusayan at hikayatin ang mga lokal na maging aktibo bilang mabuting mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan at wastong pamamahala ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *