Drug Awareness Campaign, matagumpay na isinagawa sa Tandag City Kasama ang KKDAT

Matagumpay na isinagawa ang isang Drug Awareness Program ng Tandag Component City Police Station (TCCPS) kasama ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Tandag Component City Police Station (TCCPS), SDS-PDEA, Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at SK Council na ginanap sa Barangay Covered Court, Barangay Dagocdoc, Tandag City, Surigao del Sur noong Mayo 18, 2024.

Ang nasabing aktibidad ay may temang “Pag-iwas at Edukasyon: Pagbuo ng Kinabukasang Walang Droga” na kung saan tinalakay dito ang mahahalagang aspeto ng RA 9165 na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Drug-Free Workplace Policy, na maalamang tinalakay ng SDS-PDEA Provincial Barangay Drug Clearing Officer.

Dumalo sa nasabing kampanya ang humigit-kumulang 350 indibidwal, kabilang ang mga Punong Barangay at mga kasapi ng Konseho ng Barangay, SK Chairperson at mga miyembro ng SK, Lupon Tagapamayapa, mga pangulo ng purok, tanod, BHW at BNS, mga guro ng San Isidro Elementary School, mga senior citizens, at KKDAT.

Ang kampanyang ito ay nagpakita ng matibay na pagkakaisa ng komunidad ng Tandag City sa kanilang pagsisikap na labanan ang salot ng ilegal na droga at magtaguyod ng isang ligtas at malusog na kinabukasan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *