Moral Recovery Program, isinagawa sng Barobo PNP kasama ang KKDAT
Isinagawa ang Moral Recovery Program ng Barobo Municipal Police Station kasama si Pastor Rodel Gapor ng Assembly of God Barobo Chapter at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa Barobo National High School, Barangay Poblacion, Barobo, Surigao del Sur noong Mayo 17, 2024.
Sa naturang programa, tinalakay ang mahahalagang aral mula sa bibliya, partikular ang Proverbs 1:8-9 na nagsasaad, “Pakinggan mo, anak ko, ang turo ng iyong ama at huwag mong talikuran ang aral ng iyong ina. Ang mga ito’y parang korona sa iyong ulo at kuwintas sa iyong leeg.”
Ang pagsasagawa ng Moral Recovery Program ay isang patunay ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang maitaguyod ang mabuting asal at tamang gabay sa mga kabataan.
Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng pangako ng Barobo National High School at ng kanilang mga katuwang na organisasyon katulad ng KKDAT na magbigay ng makabuluhang edukasyon at moral na suporta sa mga mag-aaral.