Distribution of Rice Assistance to Peace and Order Partners, isinagawa

Pinangunahan ni Davao del Norte Acting Governor De Carlo “Oyo” Uy ang isinagawang Distribution of Rice Assistance to Peace and Order Partners nito lamang ika-20 ng Mayo 2024 sa Davao Norte Police Provincial Office.

Aniya, bilang simbolo ng pasasalamat at pagkakaisa umabot sa 327 na sakong bigas ang iniabot ng LGU ng probinsya ng Davao del Norte sa mga Peace and Order Partners. Kasama ang bagong pick-up truck, malugod naman itong tinanggap ng Davao Norte Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director Police Colonel Alexander R Serrano Jr.

Muli ay pinatunayan ng naturang aktibidad ang iisang layunin ng lokal na pamahalaan, kapulisan at komunidad na makamit ang ligtas at maunlad na lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *