Force Multipliers, lumahok sa BPATs Training at Orientation

Aktibong nilahukan ng mga force multipliers ang isinagawang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) Training at Orientation na isinagawa sa Barangay Sewod, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat nito lamang Sabado, ika-18 ng Mayo 2024.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga barangay officials sa pangunguna ni Barangay Chairwoman Amen-amen, mga Barangay Tanods, BHW, Day Care Workers, Lupon ng Barangay at mga Sitio Leaders.

Nakibahagi din sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Senator Aquino Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Ronalyn P Domidez, Officer-In-Charge.

Itinalakay sa mga kalahok ang mga responsibilidad bilang mga 1st responders sa kanilang lugar. Itinuro din ang mga tamang handcuffing at pag-aresto.

Layunin ng mga ganitong pagsasanay na magkaroon ng sapat na kaalaman ang ating mga force multipliers para maging handa sa oras ng pangangailangan.

Ang pambansang pulisya ay patuloy na maghahatid ng mga kaalaman para sa pagkakaisa ng bawat mamamayang Pilipino tungo sa maunlad at payapa na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Bambam

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *