Taunang Fertility Dance, ipinagdiwang sa kapistahan ng Obando
Matagumpay ang pagdiriwang ng Fertility Dance ng Obando na idinaos sa unang araw ng kapistahan at dinaluhan ng libo-libong deboto na ginanap sa Barangay San Pascual, Obando, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-17 ng Mayo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Daniel R Fernando, Governor ng Pamahalaang lungsod ng Bulacan katuwang ang City Government ng Obando kasama si Police Major Anthony Tiongson, Acting Chief of Police ng Obando MPS, iba pang kapulisan at barangay tanod ng nasabing barangay.
Dinagsa ito ng libo-libong mga deboto kasama ang mga miyembro nito sa iba’t ibang probinsya at lalawigan ng Bulacan.
Labis naman ang pasasalamat ng mga residente sa Pamahalaang Lungsod ng Bulacan sa suporta at pagmamahal sa kanilang bayan gayundin sa mga kapulisan ng Obando sa pagpapaigting ng kanilang seguridad.
Ang Pamahalaan ng Bulacan ay patuloy sa pagbibigay ng malasakit sa mga mamamayan katuwang ang buong hanay ng Obando PNP para sa tahimik at maayos na bayan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Janeth B Ballad
Source: Obando, Bulacan