Moving the Youth towards Peace and Development, muling isinagawa
Muling nagsagawa ng Moving the Youth towards Peace and Develoment ang Mt. Province PNP sa Maba-ay National High School, Bauko, Mt. Province noong ika-18 hanggang 20 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Mt. Province Police Provincial Office katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Bauko sa pangunguna ni Hon. Randolph Awisan, Municipal Mayor, KKDAT Mt. Province Chapter, at nang Bauko Municipal Police Station na nilahukan naman ng 67 na youth leaders ng paaralan kasama ang kanilang mga magulang.
Kabilang sa serye ng aktibidad ang pagsabak ng mga kalahok sa iba’t ibang talakayan kabilang ang mga interaktibong lektura tungkol sa mga paksang gaya ng Drug Awareness, Youth Leadership, Responsible Use of Social Media, Emotional Support, Teenage Pregnancy, at iba pang aktibidad.
Maliban dito, nagsagawa din ng mga palaro na nagpapatibay sa pagkakaisa at sumubok sa kakayahang mamuno, at iba pang patimpalak na kapupulutan ng malaking aral.
Ang aktibidad ay naglalayong palakasin at pasiklabin ang pagmamahal at kakayahan ng mga kabataan na mamuno nang matuwid para sa susunod na henerasyon.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng paniniwala sa sarili, pagtanggap sa mga hamon, at pakikipagtulungan sa pulisya para sa mas ligtas na komunidad.