Community Engagement, isinagawa sa pamamagitan ng BPATs Mobilization
Isinagawa ng mga kapulisan ng San Francisco Municipal Police Station ang isang Community Engagement sa pamamagitan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) Mobilization sa Barangay Lucac, San Francisco, Agusan del Sur noong Mayo 25, 2024.
Ang naturang aktibidad ay naglalayong turuan ang mga miyembro ng BPATs tungkol sa Executive Order No. 70 (EO 70) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), pati na rin ang mga kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad.
Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, nagiging mas handa at epektibo ang mga miyembro ng BPAT sa pagtugon sa mga insidente at pagtiyak na ligtas ang kanilang komunidad.
Sa patuloy na pakikilahok at pagsasanay, ang mga BPATS ay hindi lamang nagpapatibay sa seguridad ng barangay kundi nagsisilbing inspirasyon sa iba pang mga komunidad na magkaisa at magtulungan para sa isang mas mapayapa at maunlad na bayan.