Information Drive at Feeding Program, isinagawa para sa Badjao Tribe
Nakiisa ang mga Barangay Officials, CYMPIL Parak Liloy at Labason Chapter, mga Tanod, at iba pang mga ahensya ng gobyerno sa isinagawang Information Caravan at Feeding Program para sa Badjao Tribe sa Barangay Bobongan Labason Zamboanga del Norte nito lamang Mayo 26, 2024.
Pinangunahan ang aktibidad ng opisyales ng Barangay Bobongan sa pamumuno ni Hon. Annaliza Bongcawil, kasama ang 2nd Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company na pinamunuan ni Police Major Bill Fernando P Jumalon, Officer-In-Charge at Labason Municipal Police Station.
Ang isinagawang aktibidad ay naghatid ng libreng food packs, at nagturo ukol sa mga batas na ipinapatupad para sa dagdag kaalaman na labis naman ikinatuwa ng mga nasabing tribo.
Layunin ng aktibidad na ito na mas palawakin at paigtingin ang magandang relasyon ng komunidad at maikintal sa kaisipan ang mga usaping karapatang pantao, paglaban sa katiwalian, at pagbabawas sa banta ng transnasyonal na krimen at terorismo tungo sa ligtas, payapa, at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Franco