Barangay Visitation and Dialogue, isinagawa sa Lanao del Sur

Matagumpay na isinagawa ang Barangay Visitation and Dialogue sa Barangay Pantar, Lumbatan, Lanao del Sur noong ika-25 ng Mayo 2024.

Aktibong dinaluhan ng mga Barangay at mga Stakeholders ng nasabing barangay ang naturang aktibidad kaiisa ang mga miyembro ng Lumbatan Municipal Police Station na pinangunahan ni Police Lieutenant Virgillio T Tuala jr. Officer-In-Charge.

Ibinida sa pagpupulong ang kampanya laban sa ilegal na droga, pagsasagawa ng batas, Anti-terrorism, Anti-Criminality, Kapayapaan at Kaayusan sa Barangay, Barangay Drug Clearing at future plans and programs.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong magkaisa at magtulungan ang mga mamamayan katuwang ang iba pang mga lokal na pamahalaan at kapulisan sa pagtataguyod ng maayos, maunlad at mapayapang pamayanan tungo sa isang bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *