BPATs ng Dapitan City, nakatangap ng arnis at bagong uniporme mula sa PNP

Nakatanggap ng arnis at bagong uniporme ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams na isinagawa ng kapulisan ng Dapitan City Police Station at R-PSB sa Covered Court, Sigayan, Dapitan City Zamboanga del Norte nito lamang ika-25 ng Mayo 2024.

Nagkaroon din ng talakayan sa nasabing programa ang diskusyon tungkol sa mga tungkulin at gawain ng BPATs na kaugnay din sa Anti-Illegal Drug Campaign at pamimigay ng arnis at bagong uniporme sa mga BPATs.

Ipinakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng BPATs at ng lokal na kapulisan sa pamamagitan ng mga talakayan at pagsasanay, ipinaliwanag ang mga probisyon at kahalagahan ng mga nabanggit na batas sa pang-araw-araw na buhay at tungkulin ng BPATs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *