The Church of Jesus Christ of the Latter Day Saints, nakiisa sa Bloodletting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng The Church of Jesus Christ of the Latter Day Saints sa isinagawang Bloodletting Activity ng Bamban MPS, Tarlac PPO sa Stake Center, Block 7, San Nicolas, F Tañedo, Tarlac City nito lamang ika-25 ng Mayo 2024.

Kabilang sa mga nag-donate ng dugo ay ang mga tauhan ng Santa Ignacia Police Station na pinangunahan ni PMaj Jessie James M Domingo, Acting Chief of Police ng Bamban MPS, Tarlac Police Provincial Office kasama ang mga stakeholders.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong makatulong upang matiyak na ang mga naidonate na dugo ay nananatiling sapat para sa mga nangangailangan.

Isang patunay na ang Bamban PNP katuwang ang mga stakeholder ay palaging handa upang tumulong sa mamamayan sa pamamagitan ng pag-alay ng dugo para mabigyan ng pag-asa at madugtungan ang buhay ng mga nangangailangan.

Source: Bamban MPS, Tarlac

Panulat ni Janeth B Ballad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *