Tree Planting Activity, isinagawa ng KKDAT sa Tubajon, Dinagat Islands
Isinagawa ng mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ang isang Tree Planting Activity na pinangunahan ng presidente ng KKDAT Tubajon Chapter na si Gilbert M. Cuevas, kasama ang mga kapulisan ng Tubajon Municipal Police Station na isinagawa sa Barangay Imelda, Tubajon, Dinagat Islands noong Mayo 26, 2024.
Ang pagtatanim ng puno ay isa lamang sa maraming proyekto ng KKDAT na naglalayong magtaguyod ng kamalayan sa kalikasan at kapaligiran.
Ang matagumpay na pagtatanim ng puno ay nagpapakita ng isang magandang halimbawa ng pagkakaisa at bayanihan sa komunidad, na naglalayong mag-iwan ng pamana ng luntiang kapaligiran para sa mga susunod pang henerasyon.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng KKDAT na layong mahikayat ang mga kabataan na maging aktibong bahagi ng lipunan at magbigay ng positibong kontribusyon sa kanilang komunidad.