BPATs, nakiisa sa isinagawang pagsasanay sa Tabuk

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang pagsasanay sa Tuga, Tabuk City nito lamang ika-27 ng Mayo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinasimulan ng 1503rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15 kung saan ito ay nilahukan ng Barangay Officials at mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team.

Kabilang sa serye ng aktibidad ang pagtalakay ng mga naturang grupo tungkol sa Arrest Techniques, Basic Disarming at Hand Cuffing Techniques at pagtalakay ng Anti-Insurgency at EO70 (Whole-of-the-Nation Approach).

Layunin ng pagsasanay na hubugin ang kakayahan at kaalaman ng mga Force Multipliers ng PNP upang maayos nilang magampanan ang mga kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *