Community Outreach at Feeding Program, pinangunahan ng SMPII

Isa na namang community outreach at feeding program ang isinagawa ng Sangguniang Masang Pilipino International Incorporated (SMPII) nito lamang araw ng Linggo, ika-2 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Sa pagkakataon namang ito, naging benepisyaryo ng kanilang organisasyon ang mga residente ng Purok 8, New Carmen, Davao City.

Sa aktibo namang pakikipagtulungan ng Maa Police Station sa pangunguna ni Police Major Kevin Lew D Garing, Officer-In-Charge at Regional Police Community Affairs and Development Unit 11 ay nakapaghandog ang naturang aktibidad hindi lamang ng masustansyang pagkain kung hindi pati na rin libreng check-up, gamot at mga bitamina.

Labis ang tuwa at pasasalamat ng mga residente sa lahat ng bumuo sa community outreach at feeding program lalo pa at sila ay naninirahan malapit sa Sanitary Landfill Site na nasa may kalayuan sa downtown proper ng Lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *