City-Wide Clean-up Drive, isinagawa sa Farmers Market at Transportation Terminal

Isinagawa ang City-Wide Clean-up Drive, sa Farmers Market at Transportation Terminal sa Cagayan de Oro City nito lamang ika-31 ng Mayo 2024.

Kasama ang iba’t ibang pribadong ahensya ay nagtulong-tulong na linisin ang Farmers Market at Market Transportation na dinaluhan ng mga personahe ng PNP, COFAMTA, Labors Association (BFBWVLALA), at Habal-habal Drivers.

Nakalikom ng sako-sakong basura na nagresulta ng matagumpay na aktibidad.

Layunin ng programa na ipakita ang pagtutulungan tungo sa mas malinis at maaliwalas na kapaligiran.

Panulat ni Danessa Berdos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *