BPATs, sumailalim sa pagsasanay sa Samal, Bataan
Aktibong lumahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pagsasanay na isinagawa ng mga tauhan ng Bataan PNP na ginanap sa Barangay Imelda, Samal, Bataan nito lamang Biyernes, ika-7 ng Hunyo, 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Samal Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Gilcerio D. Dizon Jr., Officer-In-Charge kasama ang mga opisyales ng nasabing barangay.
Sumailalim ang mga kalahok sa makabuluhang talakayan ukol sa kanilang mga responsibilidad at iba’t ibang mga batas.
Nagturo din ng Basic Self-Defense at tamang pag-aresto ang Bataan PNP na naglalayong madagdagan ang kaalaman at malinang pa ang kakayahan ng mga BPATs at mga Barangay Officials na nagsisilbing kasangga ng Pambansang Pulisya sa pagsugpo sa mga krimen sa barangay at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan alinsunod sa adhikain ng pamahalaan na mapabuti ang estado ng bansa tungo sa Bagong Pilipinas.