BPATs Training at Seminar, dinaluhan ng Force Multipliers sa Camalig, Albay

Aktibong dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at opisyales ng Barangay Panoypoy ang isinagawang BPATs Training at Seminar na pinangunahan ng Camalig Municipal Police Station na ginanap sa Barangay Panoypoy, Camalig, Albay nito lamang ika-9 ng Hunyo 2024.

Tinalakay ng mga tagapagsanay sa nasabing aktibidad ang tamang pamamaraan ng pag-aresto, handcuffing at pagtugon sa anumang sakuna at kaganapan sa kanilang nasasakupan.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong at magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers ng Barangay upang magkaroon sila ng kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin.

Photos Credit/Source: Camalig MPS

Panulat ni Brian

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *