Salaam Police Advocacy Group Panabo Chapter, nanumpa na

Nanumpa na ang mga bagong miyembro at opisyal ng Salaam Police Advocacy Group (SPAG) Panabo Chapter na ginanap sa Purok Durian, Barangay Cagangohan, Panabo City, Davao del Norte nito lamang ika-9 ng Hunyo 2024.

Aktibo namang nakiisa sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Panabo City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Angelito E De Gala, Police Community Relations PCO na naghandog ng inspirational message.

Dumalo rin si SPAG Regional President Taka Akmad at Datu Blas Talibon na nagpahayag din ng suporta sa bagong 55 miyembro ng grupo.

Layunin ng grupo na mas mapalawak at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng ating pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *