Fraternal Order of Eagles, nanguna sa Outreach Program sa Misamis Occidental
Nanguna sa isinagawang Joint Community Outreach Program na may temang: “Serbisyo Caravan, Alay sa Kalayaan” kaugnay ng 126th Philippine Independence Day: “Kalayaan 2024: Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” ang Fraternal Order of Eagles (Philippine Eagles 79) sa Barangay Small Potongan, Concepcion, Misamis Occidental nito lamang Hunyo 12, 2024.
Ayon kay Eufronio M. Sumalinog, Jr., Regional Gov Fraternal Order of Eagles Misamis Occidental Region, ang aktibidad ay naisakatuparan katuwang ang Misamis Occidental Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Captain Alma L Pescador, Deputy PCADU/PIO sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Aileen A Rondario, Officer-In-Charge, Misamis Occidental Police Provincial Office.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang Ozamiz Confession Classified, 10th Infantry Battalion ng Philippine Army at CP PHARMA.
Nagsimula ang aktibidad sa isang invocation na isinagawa ni Ms Grace Cepada, na sinundan ng welcome remarks na ibinigay ni Barangay Captain Hon. Bernie Lumanda, sinundan ito ng intermission number ng PNP Tiktokers.
Ang nasabing aktibidad ay may iba’t ibang serbisyong ibinigay sa 80 na benepisyaryo, mga serbisyong medikal tulad ng Blood Sugar Testing, Blood Pressure Check-up, pagbibigay ng mga gamot at bitamina, Libreng Gupit, Libreng Eye Check-up at Eye Glasses, pagbibigay ng loot bags at Bibliya para sa mga bata, Feeding Program (Jollibee Kids Meal) at Mobile Library mula sa 1st Misamis Occidental Provincial Mobile Force Company personnel.
Natapos ang aktibidad nang may saya sa puso ng mga benepisyaryo at baon ang pag-asang hatid ng programa para sa progresibong lalawigan ng Misamis Occidental.