Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Misamis Oriental

Isinagawa ang Clean-up Drive sa tulong ng mga mamamayan at awtoridad na ginanap sa Coastal Area ng Barangay San Alonzo, Balingoan, Misamis Oriental nito lamang Hunyo 13, 2024.

Kapit-bisig na naglinis ang BFP Balingoan, PCG Balingoan, CDWs, MSWDO, mga residente ng naturang barangay katuwang ang Balingoan PNP at Balingoan Maritime Law Enforcement Team.

Tinatayang 15 sako ng iba’t ibang basura ang nakolekta ng mga naturang grupo sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong magtaguyod ng pakikiisa at kooperasyon ng komunidad sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *