Tree Planting at Clean-up Drive, isinagawa sa Maguindanao del Sur

Isinagawa ang Tree Planting at Clean-up Drive sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-14 ng Hunyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Intan Ayunan Bangon katuwang ang Provincial Government ng Maguindanao del Sur, SK Members, Barangay Officials, Municipal Councilors ng nasabing bayan, LGU employees, mga guro, 90th Infantry Battalion Charlie “Knights” Company at mga miyembro ng Pagalungan Municipal Police Station.

Nasa 300 na mga puno ng mahogany at lumban ang itinanim sa mga barangay at paaralan ng nasabing bayan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, ang pulisya at mamamayan ay patuloy na magkakaisa upang makapagbigay kontribusyon sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *