Women’s Organization, sumailalim sa Livelihood Training

Aktibong dinaluhan ng mga miyembro ng Women’s Organization ang isinagawang livelihood training sa paggawa ng liquid detergent na ginanap sa Barangay Gahit, Cataingan, Masbate nito lamang ika-15 ng Hunyo 2024.

Kasama ang mga miyembro ng Cataingan MPS, layunin ng pagsasanay na ito na mabigyan ng karagdagang kaalaman at kita ang mga miyembro ng lokal na organisasyon ng kababaihan.

Ang pagsasanay ay bahagi ng programa ng pamahalaan na naglalayong palakasin ang mga lokal na ekonomiya at mabawasan ang kahirapan.

Sa paggawa ng liquid detergent, inaasahang magkakaroon ng karagdagang mapagkukunan ng kita ang mga kababaihan sa barangay.

Photos Credit/Source: Cataingan MPS

Panulat ni Brian

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *