Simultaneous Mangrove Planting Activity isinagawa sa Lanao del Norte

Isinagawa ang pagtatanim ng 300 na Mangrove Propagules sa isinagawang Mangrove Planting Activity kaugnay sa One Time Big Time PCR Activity sa Barangay Tacub, Kauswagan, Lanao del Norte nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.

Aktibong nilahukan ang aktibidad ng grupo ng Deputized Fish Warden, Municipal Agriculture Office at Lanao del Norte Maritime Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Earl Valconcha, Station Chief.

Ang naturang aktibidad ay may layuning pangalagaan at mabigyan ng sapat na proteksyon ang baybayin mula sa mga basura upang mapanatili ang kagandahan at kaligtasan ng inang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *