Bloodletting Activity, isinagawa sa Batangas City

Nagsagawa ng bloodletting activity ang Batangas City Government – City Health Office para sa selebrasyon ng World Blood Donor Day sa pamamangitan ng Blood Olympics 2024 sa Batangas City Sports Complex, Batangas nito lamang ika-14 ng Hunyo 2024.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng iba’t ibang City Police Station at Municipal Police Stations ng Batangas Police Provincial Office, kasama ang iba pang mga ahensya ng gobryerno at iba pang mga volunteers na naghandog ng dugo.

Layunin ng aktibidad na magkaroon ng pondo ng dugo upang makatulong sa mga pasyente na nangangailangan para madugtungan ang kanilang buhay.

Ito ay ang hangarin ng Bagong Pilipinas sa pagpapabuti at pagsasaayos ng ating bansa at mamamayan.

Source: Batangas City PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *