Advocacy Support Group, nagsagawa ng Zumba Activity sa Tanza, Cavite

Nagsagawa ng BIDA-Zumba Kontra Ilegal na Droga ang Women Sector Advocacy Support Group na dinaluhan ng mga residente ng Barangay Daang Amaya 1 na ginanap sa Covered Court Barangay Daang Amaya 1, Tanza, Cavite nito lamang Martes, ika-18 ng Hunyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Women Sector kasama ang mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Chief Master Sergeant Annaliza P Flores sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Willy B Salazar, Chief of Police.

Layunin ng aktibidad na mas mapanatili ang malakas at masiglang pangangatawan sa pamamagitan ng Zumba Dance Activity.

Samantala, patuloy naman ang grupo sa panghihikayat katuwang ang ibang sektor ng lipunan upang suportahan ang mga makabuluhang aktibidad para sa kabutihan ng lahat.

Source: Tanza Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *