Serbisyong Iliganon Caravan, isinagawa

Walang humpay ang pagbibigay ng ngiti at saya sa isinagawang Serbisyo Iliganon Caravan ng Local Government Unit ng Iligan City na idinaos sa Barangay Bunawan, Iligan City nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.

Ang naturang programa ay aktibong nilahukan ng City Health Office, Bureau of Fire Protection, Philippine Statistics Office, Task Force Iligan, City Agriculture Office, City Information Office, PhilHealth, City Engineers Office, Social Security System, City Veterinarian’s Office at iba’t ibang mga Advocacy Support Groups.

Aktibo ring nakilahok ang mga personahe ng Iligan City Police Office na nag-alok ng libreng tuli.

Mahigit 250 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong tulad ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, libreng gamot, livelihood, legal assistance, at iba pang pangunahing pangangailangan para makatulong sa mga residente.

Layunin ng aktibidad na iparating sa mga malalayong lugar ang libreng serbisyo upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *