BPATs Training and Basic Exercise, isinagawa sa Maguindanao del Sur

Matagumpay na naisaktuparan ang isinagawang Barangay Peace Action Teams Training and Basic Exercise sa Barangay Hall ng Pidsandawan, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.

Nakiisa rin sa naturang pagsasanay ang mga tauhan ng Charlie Company ng 33rd Infantry Battalion, Philippine Army at mga personahe ng Rajah Buayan Municipal Police Station na pinamunuan ni Police Captain Joel S Lebrilla, Chief of Police.

Ang pangunahing layunin ng pagsasanay ay upang palakasin ang kaalaman ng BPATs at bigyan ng kakayahang magamit nang epektibo ang kanilang pisikal na abilidad sa pagprotekta sa kanilang sarili at sa komunidad.

Patuloy na magkakaisa ang PNP at mamamayan upang itaguyod ang maayos at ligtas na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *