Advocacy Support Group Mobilization, isinagawa sa Agusan del Sur

Isinagawa ang Advocacy Support Group (ASG) Mobilization at information drive nito lamang Hunyo 19, 2024 bandang 8:36 ng umaga na ginanap sa TMPS, Barangay Poblacion, Trento, Agusan del Sur.

Ang programa ay isinagawa upang talakayin ang ilang mahahalagang batas at ordinansa, ang Provincial Ordinance Number 396 Series of 2003 o “Dog and Rabies Control Ordinance” ng Agusan del Sur, na layuning kontrolin at maiwasan ang pagkalat ng rabies sa lugar.

Bukod dito, binigyang diin din ang Anti-Smoking at Vaping Campaign sa mga pampublikong lugar, at ang paggamit ng modified mufflers (Bora-Bora) na nagdudulot ng ingay at abala sa komunidad.

Ipinaliwanag din ang pagpapatupad ng Safety Hours (Curfew), upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan lalo na sa gabi.

Sa kabuuan, ang aktibidad ay naglalayong magbigay ng edukasyon, magtaguyod ng kaligtasan, at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa mga programa ng pamahalaan para sa isang mas ligtas at maayos na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *