Advocacy Support Groups, nakiisa sa BIDA-Tree Planting Activity

Tulong-tulong ang mga Advocacy Support Groups kasama ang mga miyembro ng Tanza Municipal Police Station sa isinagawang BIDA-Tree Planting Activity sa Barangay Lambingan, Tanza, Cavite nito lamang Huwebes, ika-20 ng Hunyo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinagunahan ni PEMS Jayaan B Leynes, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Willy B Salazar, Chief ng Tanza MPS, kasama ang mga miyembro ng KSM Force Multipliers, sa pangunguna ni Mrs. Olivia Abutin at Barangay-Based Advocacy Support Group, sa pamumuno ni Hon Danilo Abutin, Barangay Chairperson ng nasabing barangay.

Layunin ng aktibidad na ipagpatuloy at pangalagaan ang likas na yaman ng ating bansa. Alinsunod sa core values ng PNP ang ” MAKAKALIKASAN” na simbolo ng pagmamahal at pagtangkilik sa ating kalikasan.

Source: Tanza Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *