KKDAT-Bauko Chapter, lumahok sa 47th Youth Camp
Lumahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Bauko Chapter sa isinagawang 47th Youth Camp sa Tapan, Bauko, Mountain Province nito lamang Hunyo 18, 2024.
Ang aktibidad ay may temang “Breaking Barriers, Breakthrough” na pinangasiwaan ng Mountain Province 1st PMFC kasama ang Bauko MPS, at Overcomers Thriving Youth and All Saints Global Church.
Ito ay isang hakbang ng pulisya na makapagbigay ng tamang impormasyon at edukasyon upang kontrahin ang mga panlilinlang ng CPP-NPA at kanilang recruitment scheme sa sektor ng kabataan, gayundin ang pagtalakay sa mga epekto ng paggamit ng ilegal na droga bilang suporta sa BIDA program ng gobyerno.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na paigtingin ang pakikipagkaibigan, pagtutulungan ng magkakasama, bumuo ng empatiya, pagandahin ang pagkamalikhain, at palakasin ang pagpapahalaga sa sarili sa mga kabataan.